300 miyembro ng religious group na-food poison
MANILA, Philippines — Nasa 300 miyembro ng Seventh Day Adventist na karamihan ay mga kabataan ang naratay sa pagamutan matapos umanong malason sa inihandang pagkain sa youth convention sa lalawigan ng Bukidnon, ayon sa ulat kahapon.
Sa report ng Office of Civil Defense (OCD) Northern Mindanao, ang mga biktima ay bigla na lamang sumama ang pakiramdam nang dumanas ng matinding sakit ng ulo, pagsusuka, pagkahilo, ginaw at gayundin ng diarrhea, matapos kumain ng inihandang pagkain sa naturang okasyon.
Ang pagtitipon ay isinagawa sa Brgy. Impalutaw, Brgy. Impasugong ng lalawigan kung saan sinimulang isugod sa pagamutan ang mga biktima nitong Mayo 15 ng gabi hanggang kamakalawa.
Nabatid na kinunan na ni Dr. Henry Legaspi, Chief ng Bukidnon Provincial Medical Center ng specimen ng rectal swabs ang mga biktima at ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para matukoy ang dahilan ng food poisoning.
Sa 169 na pasyente, napalabas na ang 45 habang naka-confine at under observation pa ang 114 sa mga ito.
Kasalukuyan pang inaalam ang sanhi ng food poisoning ng mga biktima habang nag-inspeksyon na rin ang mga kinatawan ng Department of Health sa lugar.
- Latest