^

Probinsiya

Tserman at lover tiklo sa hotel

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —   Bagsak kalaboso ang isang chairman ng barangay at kalaguyo nitong misis matapos mahuli sa akto ng mister ng huli at mga pulis sa kanilang mala-pukyutang sandali sa loob ng isang hotel sa Brgy. Caanawan, San Jose City, Nueva Ecija kamakalawa.

Sinabi ni Police Lt. Colonel Heryl Bruno, hepe ng San Jose City Police na tinugunan nila ang paghingi ng tulong ng mister ni Maria Cecilia Tubiera, 32-anyos na umano’y nakakita sa huli na kasamang pumasok sa Kalapaw Hotel ang kanilang tserman sa Brgy. Abar 1st na si Librado Dulay, 58-anyos, ng tanghaling tapat.

Agad lumusob ang mga pulis at nasabing mister sa hotel at nahuli sa akto sina Tubiera at Dulay. Nadatnan sa loob ng banyo ang tserman habang nakatihayang hubad ang misis sa kama na nagpapahinga.

Agad ikinulong sa magkahiwalay na karsel ang magkalaguyo at humaharap ngayon sa kasong adultery na isinampa ng mister ni Tubiera.

vuukle comment

LOVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with