^

Probinsiya

Killer ng 64-anyos lola, apo arestado

Joy Cantos, Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
Killer ng 64-anyos lola, apo arestado

BULACAN  , Philippines  —  Labing-dalawang oras matapos na brutal na paslangin ang isang 64-anyos na lola at 14-anyos na dalagitang apo habang isa pang apo ang malubhang nasugatan, nadakip na ng pulisya ang lalaking panguna­hing suspek sa krimen makaraan silang looban at pagsasaksakin sa Plaridel, lalawigang ito, iniulat kahapon.

Hindi na nakapa­lag ang suspek na nakila­lang si Jay Vincent Mamerto, 27, ng Sta. Rita Subdivision, sa naturang bayan nang pasukin ng mga awtoridad at arestuhin dahil sa pagpatay sa matandang si Sylvia Castillo na nagtamo ng dalawang saksak sa katawan at apong si Xyrene Margarette San Pedro, estud­yante, na nagtamo ng 10 saksak habang si James Cyrus Maliksi, 7, na nagtamo ng 12-saksak ay nasa kritikal na kondisyon.

Sa ulat ni P/Supt. Laurente Aquiot ng Plaridel Police, dakong alas-9:45 ng umaga nang isang impormante ang nagbigay ng tip sa pulisya hinggil sa nakatakdang paglabas ng suspek sa kanyang bahay para pumasok sa trabaho sanhi upang ikasa ang operasyon dahilan ng pagkaaresto ni Mamerto.

Narekober sa ope­rasyon ang isang pantalon na may bahid ng mga dugo na hinihinalang mula sa mga biktima, mga personal na gamit at pera na kanyang kinulimbat sa pagnanakaw.

Sa malalim na interogasyon, inamin ng suspek ang ginawang krimen at sinabi na pagnanakaw lamang ang kanyang pakay sa mga biktima. Aniya, nang magising ang mag­lolola ay agad silang sumigaw upang humi­ngi ng tulong kaya niya isa-isang inundayan ng saksak.

Nakitaan naman ng malaking sugat sa kaliwang braso ang suspek na hinihinalang galing sa isa sa biktima na nagtangkang manlaban.

Sa ulat, lumalabas na pinatay ng suspek ang mga biktima noong Enero 7 ng madaling-araw sa loob ng kanilang tahanan sa Isabel Village, Brgy. Tabang.

ARRESTED

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with