^

Probinsiya

Aktor sa ‘Ang Probinsyano’, kinatay

Joy Cantos, Nina Cristina Timbang At Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Aktor sa �Ang Probinsyano�, kinatay
Tadtad ng saksak at naliligo sa sarili niyang dugo ang aktor na si Arnold Corpuz nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Biga 1, Silang, Cavite ng kanyang mga kaanak nitong Miyerkules ng hapon.
Kuha ni Cristina Timbang

MANILA, Philippines — Tadtad ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at tigmak sa sariling dugo nang matagpuang patay ang isang kilalang aktor sa teleseryeng “Ang Pro­binsyano” sa kanyang tahanan sa Brgy. Biga 1, Silang, Cavite nitong Miyerkules ng hapon.

Pinaniniwalaang may dalawang araw nang patay bago matagpuan ang biktimang kinilalang si Arnold Corpuz, 38-anyos.

Nagtamo ang biktima ng 43 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng hapon nang madiskubre ng kamaganak nito ang wala nang buhay na biktima matapos nilang puntahan mismo sa ti­nitirhan nito.

Ayon pa sa pulisya, noong Lunes pa hinaha­nap ng kaniyang pamilya at mga kaibigan si Corpuz kaya napilitan ang mga itong pasukin na ang bahay ng aktor.

Dito na nagulantang ang mga ito nang madiskubreng patay na ang biktima na nakasuot lamang ng brief at may mga tama ng saksak sa likurang bahagi ng katawan, dibdib at braso na nakahandusay sa kanyang sala.

Narekober sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang pares ng gunting at ang isang kutsilyo sa 3rd floor na posibleng siyang ginamit na murder weapon.

Ayon sa teorya ng pulisya, dalawang katao ang kasama ni Corpuz noong Linggo ng gabi base sa ayos ng mga sofa nito at ginamit na tatlong baso sa may balkonahe habang nawawala rin ang cellphone at mga alahas ng aktor kaya lumabas ang teorya na pinagnakawan ito.

Maliban sa Ang Pro­binsyano, gumanap din si Corpuz sa mga te­leseryeng Bagani, at Be Careful With My Heart.

Patuloy ang masu­sing imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito.

vuukle comment

ARNOLD CORPUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with