^

Probinsiya

Aktres na si Patricia Javier nadale ng ‘Basag-Kotse’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Aktres na si Patricia Javier  nadale ng �Basag-Kotse�
Sa salaysay ni Javier sa tanggapan ng Police Community Precinct 1 ng Antipolo City Police, dakong alas-8:15 ng gabi nang basagin ang salamin ng kanyang sasakyan sa tapat ng isang kilalang kainan sa Masinag, Brgy. Mayamot, malapit sa isang kilalang mall. Kumakain umano siya at ilang kasama nang marinig niyang nag-alarm ang kanyang sports utility vehicle (SUV).

RIZAL, Philippines — Nabiktima ng mga kawatan na hinihinalang miyembro ng “Basag-Kotse Gang” ang sexy actress-singer na si Patricia Javier sa Antipolo City kamakalawa ng gabi.

Sa salaysay ni Javier sa tanggapan ng Police Community Precinct 1 ng Antipolo City Police, dakong alas-8:15 ng gabi nang basagin ang salamin ng kanyang sasakyan sa tapat ng isang kilalang kainan sa Masinag, Brgy. Mayamot, malapit sa isang kilalang mall. Kumakain umano siya at ilang kasama nang marinig niyang nag-alarm ang kanyang sports utility vehicle (SUV).

Inakala nito na nasagi lamang ng dalawang naka-scooter na lalaki ang kanyang kotse kaya nag-alarm ito. Gayunman, nang tingnan ng aktres ay basag na ang bintana ng kanyang sasakyan sa passenger’s seat.

Ayon kay Patricia, natangay ng hindi pa nakikilalang suspek ang kanyang Louis Vuitton bag, na naglalaman ng ATM at credit cards, wallet na may P10,000 cash, Asus cellphone na nagkakahalaga ng P17,000, diamond necklace na nagkakahalaga ng mahigit P300,000 at mga personal na kagamitan. Aniya, napakahalaga sa kanya ng naturang kuwintas, na may inisyal niyang PJ, dahil binili umano niya ito noong kasagsagan ng kanyang kasikatan.

Hinala ni Javier na ka­sabwat ng mga ka­wa­tan ang batang lalaki na gumabay sa pagpa-parking niya at tumawag sa kanyang atensyon ng dalawang beses upang magpalabas ng ibang kotseng paalis ng lugar.

Sa ngayon ay sinu­suri na ng mga pulis ang CCTV sa naturang kainan upang matukoy at madakip kung sino ang may kagagawan ng pagnanakaw.

vuukle comment

CAR THEFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with