P100K reward sa ulo ng rape slay suspect
MANILA, Philippines — Magbibigay ng P100,000 na pabuya si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa makapagtuturo sa ikadarakip ng suspect na responsable sa panggagahasa at pagpatay sa isang tatlong taong gulang na batang babae sa lungsod.
Mas magiging madali na sa mga awtoridad na hulihin ang suspect na kinilalang si Rene Bueno, na umano’y pinsan pa ng 3-anyos na babaeng biktima at nakikitira sa tahanan ng huli sa Barangay Singao Kidapawan City.
Naganap ang krimen noong May 5, 2018 ng gabi. Natagpuan kinaumagahan ang labi ng batang biktima sa isang lote, ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang tahanan.
Sinagot na rin ng alkalde ang burol at pagpapalibing sa biktima at inutos nito sa pulisya na paigtingin pa ang paghahanap kay Bueno.
- Latest