^

Probinsiya

Ex-police agent arestado sa droga at mga baril

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang dating ahente ng pulisya matapos itong mahulihan ng droga at mga armas sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa San Fernando City, Pampanga kamakalawa .

 Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Chief Supt. Amador Corpus, kinilala ang nasakoteng suspek na si Mark Louie Sianson alyas Kim, 35-anyos ng Brgy.Telabastagan, San Fernando City, Pampanga at kabilang sa mga target sa drug campaign ng pulisya .

 Nasamsam mula sa suspek ang limang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P50,000, isang unit ng kulay itim na Toyota Vios (AMA 5215); isang kulay kayumangging sling bag; isang unit ng Samsung mobile phone, isang piraso ng transparent toothpick case, isang cal. 45 Remington pistol, chamber na may pitong bala ng cal. 45 pistol  at iba pa.

 Bago ito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad hinggil sa pagkakasangkot ng suspek sa illegal na aktibidades .

 Nang maberipika ang impormasyon ay agad na isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comelec gun ban at paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o (illegal possession of drugs).

Kasalukuyan nang nakapiit ang suspek sa detention cell sa himpilan ng San Fernando City Police.   

AMADOR CORPUS

ANTI-ILLEGAL DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with