^

Probinsiya

Onsehan sa droga: Bebot utas

Crisitna Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  — Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo kaya pinatay ang dayuhang babae makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaki sa Barangay San Esteban sa Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling araw. Kilala lamang ng pulisya sa alyas na “Joy” ang biktima habang nasakote naman ang isa sa dalawang suspek na si Rodolfo Miranda Jr. habang tugis naman ang kasabwat na si Alyas Jamal. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, dumalaw lamang ang biktima sa bahay ng mga suspek subalit niratrat ito saka kinaladkad ang duguang katawan sa labas ng bahay. Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto naman ang isa sa dalawang gunmen makaraang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad. Nakarekober sa bahay ng suspek ang tatlong plastic sachet na shabu, apat na bas­yo ng bala ng cal. 45 pistol at mga drug paraphernalia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with