Mag-utol na ‘drug lord’, arestado
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Nasakote ng awtoridad ang mag-utol na tinaguriang drug lord ng Cagayan matapos isilbi ang kanilang mandamiyento de-aresto sa magkahiwalay na insidente sa Barangay Mabuttal East at West sa bayan ng Ballesteros noong Miyerkules. ?
Sinabi ni Cagayan Police Director P/Senior Supt Warren Tolito na hindi na nakapalag ang magkapatid na sina Chairman Edmundo Uclos, 50, ng Barangay Mabuttal West; at Arnulfo Uclos, 53, nang isilbi ng mga pulis at tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) ang warrant of arrest na ipinalabas ni RTC Judge Conrado Tabago noong Biyernes (Nob. 17). ?
Sa tala ng pulisya, wala ang mag-utol nang lusubin ng mga awtoridad ang kani-kanilang bahay noong Mayo 2017 kung saan nasamsam ang P.2 milyong halaga ng shabu kung saan walang Inirekomendang piyansa si Judge Tabago. ?
Noong nakaraang Agosto 2017 ay napatay ang kanilang utol na si Wilfredo Uclos, 60, sa isang ambush sa Tuguegarao City.
”Ang tatlong mag-utol na sumuko sa Oplan Tokhang noong 2016 ay itinuturong may-ari ng P14 milyong halaga ng shabu chemicals na nadiskubre sa bayan ng Sta. Marcela, Apayao noong 2016,” pahayag pa ni Tolito.
- Latest