^

Probinsiya

3 kasapi ng drug syndicate utas sa shootout

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 kasapi ng drug syndicate utas sa shootout

Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, commander ng 33rd Makabayan Battalion ng Philippine Army, magkatuwang na nagsagawa ng anti- drug operations ang militar at pulisya laban sa grupo ni Abdulatip Pendaliday alyas Commander Grass Cutter na umano’y sangkot sa drug trade. File

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines - Tatlo-katao na sinasabing miyembro ng drug syndicate ang napatay makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa Sitio Langag, Barangay Cabu­ling sa bayan ng Pandag, Maguindanao kahapon ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, commander ng 33rd Makabayan Battalion ng Philippine Army, magkatuwang na nagsagawa ng anti- drug operations ang militar at pulisya laban sa grupo ni Abdulatip Pendaliday alyas Commander Grass Cutter na umano’y sangkot sa drug trade.

We were approaching in their hideout when they rained bullet on my troops, triggering a heavy exchange of fires,” pahayag ni Cabunoc.

Nagkaroon ng mainitang palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig kung saan napatay sina Samir Pendaliday, Nastudin Saligan, at si Rakim Pendaliday, mga residente sa Barangay Lipao sa bayan ng Datu Paglas.

Narekober sa grupo ang tatlong M16 rifles, tatlong M203 grenade launcher at 34 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

Sinasabing miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) si Kumander Grasscutter

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with