Tindahan na may pekeng insecticide, ni-raid
BATANGAS , Philippines - Sinalakay ng mga tauhan ng Tanauan Licensing Office ang isang tindahan sa Tanauan City, Batangas matapos maaktuhang nagtitinda ng pekeng insecticide spray.
Pinangunahan mismo ni Tanauan City Mayor Tony Halili ang pagsisilbi ng confiscation order sa AJA Kitchenware sa Barangay Poblacion at makumpiska ang 50 piraso ng Baollia aerosol insecticide na nagkakahalaga ng P3,000.
Nag-ugat ang raid matapos magreklamo kay Mayor Halili ang mga magulang ng 3-taong gulang na bata matapos masabugan ito ng naturang aerosol na pawang made in China.
Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang bata na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital
Base sa ginawang beripikasyon ng Tanauan City Hall sa Food and Drug Administration, hindi rehistrado sa kanilang ahensya ang naturang produkto
Nakatakda ring magsagawa ng operasyon ang licensing office ng Tanauan sa iba pang tindahan na nagbebenta ng naturang produkto para maiwasang maulit ang insidente.
- Latest