Chief of staff ng gobernador itinumba ng pulis
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 29-anyos na chief of staff ng gobernador matapos itong ratratin ng pulis na sinasabing lover ng kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Poblacion, bayan ng Diadi, Nueva Vizcaya kahapon ng madaling araw.
Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Alexander Cabang, hepe ng Diadi PNP, kinilala ang biktima na si Atty. Jemar Apada, tubong Tuguegarao City, Cagayan at chief of staff ni Apayao Governor Elias Bulut Jr.
Pinaghahanap naman ang suspek na si PO1 Clifford Dulnuan, intelligence officer ng Diadi PNP.
Sinabi ni Cabang na sorpresang umuwi ng bahay ang biktima kung saan inabutan niya ang sariling misis na si PO2 Jennifer Apada na kaulayaw ang suspek sa kanilang kuwarto.?
Dito na pinagbabaril ng suspek ang biktima kung saan humingi pa ng tulong sa mga kasamahang pulis sa presinto para rumesponde sa nasabing lugar saka tumakas.
Nang tanungin ng mga pulis si PO2 Apada ay ikinanta nito si PO1 Dulnuan ang bumaril sa kanyang asawa kaya agad na bumalik sa presinto para arestuhin ang suspek.
Gayunman, hindi na ito inabutan maliban sa kanyang service firearm at cellphone na iniwan sa loob ng himpilan ng pulisya.
Natulala ang drayber ng biktimang naiwan sa sasakyan sa labas ng bahay habang isinugod naman sa ospital ang biktima pero idineklarang patay.
Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng baril ang isang set ng PNP uniform ng suspek sa silid ng mag-asawang Apada.
- Latest