Barko lumubog: 8 nasagip
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Walo-katao ang nailigtas matapos lumubog ang pampasaherong barko sa kalagitnaan ng Babuyan Channel noong Martes Santo.?
Sa report na nakarating kay P/Chief Insp. Rafael Pagalilauan, hepe ng Aparri PNP, naglayag ang M/B St. Vincent na patungong isla ng Calayan mula sa Aparri, Cagayan ay sinasabing walang pahintulot sa Philippine Coast Guard at PNP Maritime Group na maglayag kaya hindi agad nalaman ang paglubog nito matapos tumama sa matigas na bagay sa gitna ng malalaking alon.?
Gayunman, isang pasaherong si Maricel Pedronan na nagbabakasyong OFW ang nakatawag sa cellphone sa kanyang mga kaanak at ipinabatid ang peligrosong sitwasyon. ?
Agad naglunsad ng rescue operations ang pangkat ng pulisya at Phil. Coast Guard kung saan tumulong na rin ang helicopter ng Philippine Army ay natunton ang mga biktimang nakakapit sa tumaob na barko na sinasabing pag-aari ni Leopoldo Llopis
Nailigtas si Pedronan at mga kasamahang pasahero na sina Frank Managabat, 38, security officer ng NAPOCOR; mga gurong sina Carol Marcos, 32; Nanette Jane Navelgas, 21; Anthony Irece, 22; Juanita Llopis, 42; mga pahinanteng sina Vincent Dalu at Oscar Pollosco na pawang naninirahan sa Barangay Balatubat sabayan ng Camiguin. ?
- Latest