^

Probinsiya

3 drug pusher bulagta sa shootout

Joy Cantos at Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong notoryus na drug pusher kabilang ang isang most wanted ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Bundok Bato, Barangay Capalacuan sa bayan ng Subic, Zambales  kahapon ng umaga.

Sa text message, kinilala ni Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Chief Supt. Rudy Lacadin ang napaslang na si  Regie “Matar” Calledo, No. 1 most wanted sa Subic sa kasong homicide at isa ring notor­yus na drug pusher.

Patuloy namang ina­alam ang pagkakakilanlan ng dalawa pa nitong kasamahang napatay.

Ayon kay Lacadin, bandang alas-5 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng  Subic Police, Zambales Provincial Police Office, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 3 at ang Special Action Force (SAF) sa pamumuno ni P/Chief Inspector Leonard Madrid ang nasabing lugar.

Nabatid na papasok pa lamang ang mga operatiba ng pulisya nang salubungin ng pagpapaputok ng mga suspek na nauwi sa palitan ng putok sa pagitan ng arresting team at mga drug pusher.

Tumagal ng 3-oras ang shootout kung saan isa-isang bumulagta ang tatlo habang wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng mga operatiba ng pulisya.

Narekober ang isang AR15 automatic rifle , isang Intratec machine pistol, ibat ibang magazine at mga drug paraphernalia. Dagdag ulat ni Gary Bernardo

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with