^

Probinsiya

Air force member itinumba ng Abu

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang nagbabakasyong miyembro ng Philippine Air Force (PAF) matapos na tambangan at pagbabarilin ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa likod ng isang simbahan sa Brgy. San Raymundo, Jolo, Sulu kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Air Force enlisted personnel Andrew Burias Nono, 27, nakatalaga sa 15th Strike Wing na nakabase sa Sangley, Cavite. Nagawa pang maisugod sa Sulu Provincial Hospital si Nono pero idineklarang dead-on-arrival sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Brig. Gen Alan Arrojado, commander ng AFP Joint Task Group Sulu, dakong alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente sa likod ng Jolo Church sa Brgy. San Raymundo.

Habang nakatayo sa likod ng simbahan ang biktima nang biglang sumulpot ang mga armadong salarin at sunud-sunod siyang pinaputukan ng baril.

Kakauwi lamang ng biktima sa Sulu matapos na humingi ng bakasyon sa kanyang opisyal nang mangyari ang insidente.

 

ABU SAYYAF GROUP

AIR FORCE

ANDREW BURIAS NONO

BRGY

GEN ALAN ARROJADO

JOINT TASK GROUP SULU

JOLO CHURCH

PHILIPPINE AIR FORCE

SAN RAYMUNDO

STRIKE WING

SULU PROVINCIAL HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with