^

Probinsiya

Yayang bading tiklo sa pagkidnap sa alaga

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nailigtas ng pulisya ang isang 5-anyos na pre-schooler na kinidnap ng kanyang yayang bading sa Quezon City matapos silang matunton ng Police Anti-Kidnapping Group (AKG)  sa bahay ng mga kaanak ng suspek sa Barangay Lanting, Roxas, Isabela kamakalawa.

Sinabi ni Chief Insp. Virgilio Abillera, hepe ng PNP Roxas na nilusob nila ang compound ng mga kaanak ng suspek na si Reynaldo Ampaya, 21, tubong Laur, Nueva Ecija; matapos itong matukoy ng AKG  sa pamamagitan ng ipinadalang niyang text message sa ina ni  Arnie Zandra Cortez na nanghihingi ng ransom. Lumalabas sa imbestigasyon na isinama ni Ampaya ang bata sa Isabela mula sa kanilang lugar sa Diliman, Quezon City  noong umaga ng Huwebes. Ayon kay Abillera, nag-text ang suspek sa ina ng bata na si Arlene Cortez na isang computer programmer na hinihingi ang password sa ATM nito at nagbantang papatayin ang anak kapag nabigo itong ibigay. Dahil sa nasabing text message ay natukoy ng pulisya ang kinalalagyan ni Ampaya at ang bata kung kayat agad ikinasa ng pulisya ang rescue operation dakong alas-5:00 ng hapon noong Biyernes.

vuukle comment

AMPAYA

ANG

ARLENE CORTEZ

ARNIE ZANDRA CORTEZ

BARANGAY LANTING

CHIEF INSP

ISABELA

NUEVA ECIJA

POLICE ANTI-KIDNAPPING GROUP

QUEZON CITY

REYNALDO AMPAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with