^

Probinsiya

Clan war: 5 patay, 2 kritikal

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Lima-katao ang napatay makaraang tambangan ng mga di-kilalang kalalakihan na sinasabing kalabang angkan sa Barangay Dulangan, bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kamakalawa.

Kinilala ang mga napatay na sina Lilang Ayunan, 50; Pink Rose Ayunan, 25; Shoam Ido, 4; Baby boy Pasawiran, 21; at si Kago Kasan, 40, mga nakatira sa Brgy. Kalanganan, Cotabato City, Maguindanao.

Naisugod naman sa Notre Dame Hospital ang mga sugatan na sina Norhana Ayunan, 19; at Manawir Ayunan, 27.

Ayon kay P/Senior Ins­pector Lyndsy Sinsuat, naganap ang pananambang bandang alas-4:45 ng hapon.

Lmilitaw na papauwi na sa Cotabato City ang mga biktimang lulan ng maroon na Toyota Innova (YA 3539) mula sa General Santos City nang ratratin ng grupo ng kalalakihang lulan ng hindi nabatid na sasakyan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng bala ng M-16 rifle at cal .45 pistol.

Pinaniniwalaang rido ang isa sa motibo sa naganap na pananambang habang patuloy naman imbestigasyon.

vuukle comment

ANG

BARANGAY DULANGAN

COTABATO CITY

DATU ODIN SINSUAT

GENERAL SANTOS CITY

KAGO KASAN

LILANG AYUNAN

LYNDSY SINSUAT

MAGUINDANAO

MANAWIR AYUNAN

NORHANA AYUNAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with