^

Probinsiya

Ilang flights sa Mindanao, kanselado… Army vs NPA sa kidnap-slay ni Mayor Otaza at anak: 5 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lima-katao kabilang ang isang sundalo ang nasugatan makaraang makasagupa ng militar ang grupo ng mga rebeldeng New People’s Army na sangkot sa pagdukot at brutal na pagpatay kay Mayor Dario Otaza at anak nito sa follow-up operations sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte noong Biyernes.

Ayon kay Captain Joe Patrick Martinez, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, dakong alas-6:45 ng umaga nang makasagupa ng Army’s 23rd Infantry Battalion ang grupo ng mga rebelde sa liblib na bahagi ng Barangay Lower Olave sa nasabing bayan.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang militar na nagtatago ang grupo ng mga rebelde na dumukot at pumaslang kay Loreto Mayor Otaza at anak nitong si Daryl noong Oktubre 19 ng gabi.

Kaagad na rumesponde ang militar kung saan sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at grupo ng rebelde.

Gayon pa man, umatras  ang mga rebelde bitbit ang apat na kasamahan na sugatan habang isa ring sundalo ang nasugatan sa bakbakan.

Nabigo naman ang mga sundalo na makorner ang mga rebelde dahil pumasok sa komunidad ng mga sibilyan kung saan iniwasan na maging collateral damage sa bakbakan.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang backpack na naglalaman ng mga personal na kagamitan at subersibong dokumento.

“We thank the people for providing us timely information about the location of these NPA. They are already fed-up with the NPA atrocities and exploitation. They are believed to be indignant of the brutal killing of Mayor Otaza,” pahayag ni Army’s 401st Infantry Brigade Col. Alexander Macario.

ALEXANDER MACARIO

ANG

BARANGAY LOWER OLAVE

CAPTAIN JOE PATRICK MARTINEZ

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE COL

INFANTRY DIVISION

LORETO MAYOR OTAZA

MAYOR DARIO OTAZA

MAYOR OTAZA

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with