3 tulak tiklo sa drug den
BULACAN, Philippines – Tatlong kalalakihan na sinasabing mga drug pusher ang nasakote matapos salakayin ang itinuturing na drug den sa Barangay Tibagan sa Malolos City, Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Marlon Bernardo, 43; Marvin Bulawit, 34; at si Rodel Martinez, 29, mga residente sa nabanggit na barangay. Sa police report na isinumite kay P/Chief Insp. Florencio Morales, sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Albert Fonacier ng Malolos City Regional Trial Court Branch 76 sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang bahay ni Bernardo matapos na makumpirmang ginagamit na drug den. Naaktuhan ang mga suspek sa pot session at nasamsam ang isang shotgun, cal. 38 revolver, pakete ng shabu, digital weighing scale at iba’t ibang drug paraphernalias.
- Latest

















