3 katao nilikida ng mga armado
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Tatlong katao na lulan ng tricycle ang pinagbabaril ng mga pinaniniwalaang kasamahan din nila sa Brgy. Sagat Cordon, Isabela kamakalawa. ?
Sinabi ni Chief Insp. Ronnie Naira, hepe ng PNP Cordon na namatay noon din sanhi ng tadtad ng tama ng cal. 45, M16 armalite at Gauge 12 de-sabog ang mga biktimang sina Ambong Opresio, Christian Quilang at Lito Pacadeno na mga taga bayan ng Angadanan, Isabela at miyembro ng notoryus na Piring Taguba Robbery group.
?Lumalabas na kasabay ng mga biktima ang mga suspects na sakay sa isang Toyota Land Cruiser sa convoy mula sa Diffun, Quirino nang paputukan sila malapit sa Lullupa Bridge dakong alas-9:00 ng umaga. Sangkot umano sa kaso ng cattle rustling ang mga namatay at hinihinalang onsehan sa hatian sa kita ang pinag-ugatan ng krimen.
- Latest