^

Probinsiya

‘Shabu queen’ tiklo sa drug bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines  - Sa ikaapat na pagkakataon ay naaresto rin ang itinuturing na shabu queen sa inilatag na drug bust operation ng mga operatiba ng pulisya at Phl. Drug Enforcement Agency (PDEA), kamakalawa ng umaga sa Purok Dupax, Barangay Bantilan sa bayan ng Infanta, Quezon. Kinasuhan na ng paglabag sa RA 9165 ang suspek na si Jocelyn Gonzales, 41, dalaga at nakatira sa nasabing barangay. Dakong alas-5:50 ng umaga nang masakote ang suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Agripino Morga ng San Pablo City Regional Trial Court Branch 62 sa Laguna. Nasamsam sa suspek ang 20 plastic sachets na shabu at mga drug paraphernalia. Ayon sa pulisya, tatlong beses na umanong nasasakote ang suspek kaugnay sa pagtutulak ng shabu subalit nakapagpipiyansa at muling nagsasagawa ng modus operandi.

AYON

BARANGAY BANTILAN

DAKONG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JOCELYN GONZALES

JUDGE AGRIPINO MORGA

KINASUHAN

NASAMSAM

PHL

PUROK DUPAX

SAN PABLO CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with