^

Probinsiya

Jeepney swak sa bangin: 1 patay, 15 sugatan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa-katao ang namatay habang labinlima naman ang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang  pampasaherong jeepney sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Salvacion, bayan ng Magallanes, Sorsogon kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Edmundo Homo ng Barangay Pawik habang naisugod naman sa ospital ang mga sugatang sina Dimingita Homo, 69, biyuda; Amy Antonio, 44; Kolando Hilit, 64; Marilyn Dollentes, 49; Bartolome Abano, 46; Ma. Theresa Abano, 44; Elenna Jao, 71; Rowena Felicidario, 44; Rosalie Bea, 18; Leonardo Palangca, 50; Gloria Non, 58; Bernito Handig, 34; Leonardo Gonza Jr., 32;  at si Adelfa Gonza, 58.

Sa ulat ni Sorsogon PNP Director P/Senior Supt. Bernard Banac, naganap ang sakuna dakong alas-10:30 ng umaga kung saan bu­mabagtas ang pampasaherong jeepney (EAR-963) na minamaneho ni Teofilo Despabeladera.

Nabatid na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng jeepney pagsapit sa pa­kurbadang bahagi ng highway kaya nahulog sa malalim na bangin.

Narekober ng mga nag­respondeng search and rescue team ang 29-sako ng semento, apat na kaban ng bigas, dalawang sako ng patuka  at iba pa.

Boluntaryo namang su­muko sa himpilan ng pulisya ang driver ng jeepney na nahaharap sa kasong kriminal. Joy Cantos

 

vuukle comment

ADELFA GONZA

AMY ANTONIO

BARANGAY PAWIK

BARANGAY SALVACION

BARTOLOME ABANO

BERNARD BANAC

BERNITO HANDIG

DIMINGITA HOMO

DIRECTOR P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with