2 pulis nagsuntukan sa checkpoint, sinibak
MANILA, Philippines - Sinibak na kahapon sa puwesto ang dalawang bagitong pulis na sinasabing nagsuntukan sa checkpoint matapos magtalo sa cellphone noong Huwebes ng gabi sa Barangay Dolores Poblacion, bayan ng Paoay, Ilocos Norte.
Ayon sa OIC ng Ilocos Norte PNP na si P/Senior Supt. Sterling Blanco, isinailalim na sa pre-charge investigation ang pulis na sina PO1 Louie Ventura at PO1 Fredimar Sacramento na kapwa inilipat na ng destino.
Ipinag-utos din ni Blanco na lapatan ng disciplinary action ang dalawang pasaway na miyembro ng Paoay PNP.
Ayon sa imbestigasyon ni P/Senior Insp. Rodel del Castillo, hepe ang Paoay PNP, hiniram ni PO1 Sacramento ang cellphone ni PO1 Ventura at tinanggal ang memory card nito para makinig umano ng musika.
Nagalit naman si PO1 Ventura dahil wala ang memory card nang ibalik sa kaniya ang cellphone.
Gayon pa man, kinukuha na ni PO1 Ventura kasama ang kaniyang Ka-live-in ay nakapagsalita ng hindi maganda ang babae kay PO1 Sacramento kaya nagalit ito kung saan nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang pulis.
Dito na sinuntok ni PO1 Sacramento si PO1 Ventura na nauwi sa suntukan subalit ilang minuto ay nagawa namang awatin ng mga kasamahang pulis habang nakarating naman ang naganap na insidente sa kanilang mga opisyal kaya pinatawan ng kaukulang parusa.
- Latest