^

Probinsiya

Ex-MILF rebs tiklo sa arms cache

Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Arestado ang 52-anyos na dating barangay kagawad at dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos makumpiskahan ng iba’t ibang baril at bala sa isinagawang raid ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Tanuel, bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguinda­nao kahapon ng umaga.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Sadad Salik Akob matapos arestuhin sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Bansawan Ibrahim ng Cotabato Regional Trial Court Branch 13.

Nakumpiska mula sa loob mismo ng bahay ni Akob ang isang baret, carbine, M-79 rifle, cal. 45 pistol, 380 pistols at dalawang rifle grenade.

Nasamsam din ang mga bala ng M-203, 12-gauge shotgun, 65 ng cal. 7.62 pistol, 11-bala ng baret , 20 bala ng cal. 45 pistol, apat magazine ng M-16 rifle, magazine para sa M14 rifle at ang cal. 380.

Gayon pa man, walang maipakitang kaukulang papeles si Akob na magpapatunay na legal ang pagkakabili ng mga armas at bala.

Samantala, sinabi naman ni CIDG-Central Min­danao P/Supt. Jun Caduyac na bineberipika ang pinagmulan ng mga baril at bala. Rhoderick Beñez

 

 

vuukle comment

AKOB

BARANGAY TANUEL

CENTRAL MIN

COTABATO REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DATU ODIN SINSUAT

JUDGE BANSAWAN IBRAHIM

JUN CADUYAC

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with