^

Probinsiya

Mag-asawang tulak ng shabu timbog sa Cotabato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasakote na ng mga awtoridad kagabi ang mag-asawang matagal nang pinaghahahanap dahil sa large-scale drug trafficking sa North Cotabato.

Kinilala ni Inspector Realan Mamon, hepe ng Magpet municipal police, ang mga suspek na sina Noel Flordeliza Cabarillos at Janet Latimbang Cabarillos.

Hindi na lumaban ang asawa matapos mapaligiran ng mga awtoridad ang kanilang bahay, dagdag ni Mamon.

Inaresto ang mga suspek sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Arvin Balagot ng Regional Trial Court Branch 17 sa Kidapawan City.

Nabawi mula sa mag-asawa ang 48-pakete ng shabu.

“This couple is a big fish. The long hand of law finally reached and caught them with the help of barangay leaders,” pahayag ni Mamon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Philippine Dangerous Drugs Act.

DRUGS ACT

INARESTO

INSPECTOR REALAN MAMON

JANET LATIMBANG CABARILLOS

JUDGE ARVIN BALAGOT

KIDAPAWAN CITY

MAMON

NOEL FLORDELIZA CABARILLOS

NORTH COTABATO

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with