Recall vs Mayor Bayron, tuloy na
PALAWAN, Philippines – “Tuloy na tuloy na ang recall election laban kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron,” ito ang inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto S. Brillantes Jr.
Ipatutupad ng Comelec ang recall sa Puerto Princesa City matapos maisakatuparan ang lahat ng mga alituntunin sa nasabing halalan.
“The recall proceedings, after publication, would have to undergo verification proceedings wherein the Office of the Election Officer will have to verify the authenticity of the supporting signatures to the Petition,” pahayag ng Comelec
Sa record ng Comelec, si Mayor Bayron ay naghain ng motion for reconsideration na kumukuwestiyun sa ‘finding of sufficiency of the recall petition’ laban sa kanya.
Matatandaan na noong Disyembre 29, 2014, ibinasura ng Comelec ang motion for reconsideration and clarification sa kasong EM No. 14-004 na isinampa ni Mayor Bayron noong Abril 28, 2014.
Noong Enero 9, 2015, dalawang araw matapos matanggap ng recall petitioner, Alroben Goh ang Comelec en banc decision, nagsimulang mag-posting ng mga listahan ng mga pangalan ng nagpetisyon para makita ng publiko ang public accessibility at maayos na pagsagawa ng beripikasyon ng mga pangalan at lagda ng petitioners.
Kinontra naman ni Bayron ang petisyon ng recall dahil masyadong maaga at hindi rin tumalima sa kinakailangang form and substance.
Subalit hindi naniwala ang Comelec en banc at nagdesisyon na ibasura ang petisyon ng alkalde.
Noong Nobyembre 26, 2014, nagpalabas din ng botong 12-0 ang Korte Suprema na desisyon nito na inaatasan ang Comelec na ituloy ang recall –at binanggit nito na “the poll body had committed grave abuse of discretion in suspending Puerto Princesa City recall elections for lack of funds by issuing Resolutions No. 9864 and 9882 in April and May this year.”
Si Goh ang nanguna sa petisyon para-i-recall si Mayor Bayron dahil umano sa pagkawala ng tiwala ng mamamayan ng Puerto Princesa City.
- Latest