Pison kinarnap sa highway
BULACAN, Philippines – Walang sinasantong sasakyan ang grupo ng mga karnaper matapos tangayin ang pison na pansamantalang ipinarada sa gilid ng highway sa Barangay Taal, bayan ng Pulilan, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Base sa imbestigasyon ni PO3 Jaime Alfonso, pansamantalang ipinarada ang pison na minamaneho ng equipment operator na si Elmer Valdez at ang kasama nitong si Louie Moreno matapos itong masiraan sa gilid ng Doña Remedios Trinidad Highway.
Kinabukasan ay muling binalikan nina Valdez at Moreno ang pison para kumpunihin ang nasirang makina at maipagpatuloy ang paggawa sa kalsada subalit hindi na nakita ang nasabing heavy equipment.
Kaagad na dumulog sa himpilan ng pulisya ang may-ari ng pison na si Ramon Ramos ng Centiare Construction kasama sina Valdez at Moreno.
- Latest