^

Probinsiya

Barangay Chairman, 4 pa niratrat!

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines  – Patay agad ang isang kapitan ng barangay kabilang  ang apat na katao matapos na tambangan ang mga ito sa Barangay Dimapatoy, Datu Odin, Sinsuat Maguindanao kahapon ng hapon.

Dead-on-the spot ang mga biktimang sina Dinaig Proper Brgy. Chairman Datu Michael Sinsuat Dalidig, Kagawad Jonathan Benito, asawa nitong si Rosemarie Benito, Day care teacher at anak nilang si Michiel Benito, 12-an­yos at isang Ted Abdullah, checker ng isang Quarry site at pawang mga taga Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Phlippine National Police-Datu Odin Sinsuat, papauwi ang mga biktima sa kanilang bahay sakay ng isang puting multicab galing sa Sitio Dimapatoy ngunit pagda­ting sa bahagi ng Brgy. Dinaig Proper ay bigla na lang tinambangan ng mga armadong kalalakihan at pinagbabaril gamit ang M14 riffle at M16 riffle base na rin sa nakober na  mahigit dalawang daang basyo ng bala sa crime scene.

Blanko pa rin ngayon ang mga otoridad sa motibo ng nasabing pananambang habang nagpapatuloy ang kanilang ginagawang im­bestigasyon.

vuukle comment

BARANGAY DIMAPATOY

CHAIRMAN DATU MICHAEL SINSUAT DALIDIG

DATU ODIN

DATU ODIN SINSUAT

DINAIG PROPER

DINAIG PROPER BRGY

KAGAWAD JONATHAN BENITO

MICHIEL BENITO

PHLIPPINE NATIONAL POLICE-DATU ODIN SINSUAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with