^

Probinsiya

5 miyembro ng NPA, patay sa engkuwentro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Limang kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang matapos na makasagupa ang tropa  ng militar sa liblib na lugar sa Sitio Upper Ba­lantang, Brgy. Cabuyan, Mabini, Compostela Valley kamakalawa.

Ayon kay Lt. Vergel Lacambra, public affairs officer ng 10th Infantry Division (ID) ng Philippine Army, bandang alas-2 ng hapon nang makabakbakan ng tropa ng 71st Infantry Battalion ang hindi pa madeterminang bilang ng mga rebelde sa nasabing lugar.

Sinabi ni Lacambra, kasalukuyang nagsasagawa ng security patrol ang mga sundalo nang masabat ang grupo ng mga rebelde na nauwi sa sagupaan.

Ang putukan ay tumagal umano ng mahigit 10 minuto na ikinasawi ng limang rebelde na inabandona ng mga nagsitakas nilang kasamahan.

Narekober sa lugar ang isang M653 rifle, tatlong M16 rifles, isang garand rifle, limang bandoleers, 10 magazine para sa M16 rifle, mga subersibong dokumento at mga personal na kagamitan ng NPA rebels.

Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operations  ng tropang gobyerno laban sa mga nagsitakas na rebelde.

“This is part of our intensified efforts to curve the recent series of banditry attacks perpetrated by NPA rebels, we will not allow these lawless armed group from sowing terror in our communities,” ani 10th Infantry Division Commander Maj. Gen. Eduardo  Año.

Magugunita na nitong nakalipas na linggo, dinukot ng mga rebeldeng NPA ang dalawang sundalo habang nagsasagawa ng security operations sa New Corella, Davao del Norte.

COMPOSTELA VALLEY

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

INFANTRY DIVISION COMMANDER MAJ

NEW CORELLA

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

SITIO UPPER BA

VERGEL LACAMBRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with