^

Probinsiya

Magsyota tiklo sa buy-bust

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Arestado ang anak ng pulis at syota nitong beauty queen makaraang makumpiskahan ng shabu sa inilatag na buy-sbust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bahagi ng Christine Village, Cauayan City, Isabela noong Miyerkules.?

Kinilala ni Louella “Lala” Tomas, spokesperson ng PDEA Region 2 ang mga suspek na si Lord Louis Duarte, anak ni SPO4 Lupo Duarte ng Cauayan City PNP; at Marjorie Marcos na sinasabing naging beauty queen sa hindi binanggit na unibersidad.?

Nasamsam sa magsyota ang 4-plastic sachet na shabu, P10,000 marked money, iba’t-ibang drug paraphernalia at ang mga cellphone na naglalaman ng transaksiyon sa pagtutulak ng shabu.?

“Dapat maidyaryo ‘yan para sabihin ng mga tao na walang kinikilingan ang mga pulis kahit anak pa ng pulis ang nasakote,” pahayag ni PO3 Bernard Valiente Jr. na kasapi ng Cauayan City PNP.?

Ayon kay Tomas, matagal nang sinusubaybayan ng PDEA ang kilos ni Duarte na sinasabing nasa drugs watchlist ng kanilang ahensiya.?

Sa tala ng pulisya, naaresto rin si PO3 Marlon Sanchez makaraan itong makumpiskahan ng isang sachet na shabu sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA sa Tuguegarao City noong Lunes.

 

vuukle comment

BERNARD VALIENTE JR.

CAUAYAN CITY

CHRISTINE VILLAGE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

LORD LOUIS DUARTE

LUPO DUARTE

MARJORIE MARCOS

MARLON SANCHEZ

TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with