^

Probinsiya

Van nahulog sa bangin: 2 patay

Pilipino Star Ngayon

Cotabato, Philippines — Humabol sa Undas ang dalawa katao habang tatlo pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan ng mga itong van sa bayan ng President Roxas, North Cotabato nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Hilario de Juan, 33; at Jonas Trececo, 21; pawang binawian ng buhay habang isinusugod sa pa­gamutan.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang biktima na sina Michael Abear, 40- anyos; Porferio Napalit, 48, at Conrado Trecero, 18; mga taga Davao City.

Sa ulat ng North Cotabato Police, bandang alas-3:25 ng hapon  ng mangyari ang sakuna sa bahagi ng matarik na highway ng nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, ang van ay pag-aari ng Merryland Confectionary ay galing sa Kidapawan City at patungo sa bayan ng Antipas ng lalawigang ito.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa bumulusok sa bangin ang behikulo. Rhoderick Benez

 

vuukle comment

CONRADO TRECERO

DAVAO CITY

JONAS TRECECO

KIDAPAWAN CITY

MERRYLAND CONFECTIONARY

MICHAEL ABEAR

NORTH COTABATO

NORTH COTABATO POLICE

PORFERIO NAPALIT

PRESIDENT ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with