^

Probinsiya

Magsasaka dinedo ng 3 kabaro

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang alitan sa lupaing sinasaka ang isa sa motibo kaya pinagtulungang tagain at napatay ang 34-anyos na magsasaka ng kanyang tatlong kabarong magsasaka sa Barangay Kabulusan, bayan ng Magallanes, Cavite kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa pagamutan subalit namatay din ang biktimang si Michael Espineli habang nasakote naman ang mga suspek na sina Binoe Leonor, 18; Eric Ariola, 20; at si Roilan Salorsano, 30, mga nakatira sa nabanggit na barangay. Base sa police report, magkakasama ang biktima at mga suspek nang maganap ang krimen bandang alas-9 ng gabi. Nabatid na bago mamatay ang biktima ay naisiwalat pa nito ang mga pangalan ng suspek kaya sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ay naaresto ang mga ito sa kani-kanilang bahay.

 

vuukle comment

BARANGAY KABULUSAN

BINOE LEONOR

CAVITE

ERIC ARIOLA

MAGALLANES

MICHAEL ESPINELI

NABATID

NAISUGOD

PINANINIWALAANG

ROILAN SALORSANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with