P2-M droga nasamsam sa shabu tiangge
CAVITE, Philippines – Aabot sa P2 milyong halaga ng bawal na droga, baril at mga bala ang nasamsam makaraang salakayin ng mga operatiba ng pulisya ang notoryus na shabu tiangge sa Barangay Datu Esmael, Dasmariñas City Cavite kahapon ng madaling araw. Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Agripino Morga ng regional trial court Branch 32 sa Laguna, sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Macatiwas Misug na sinasabing notoryus na maintainer/financier ng shabu tiangge sa nasabing barangay. Nasakote naman ang misis ni Macatiwas na si Isnihaya Lanto at kasambahay na si Jeffrey Sanchez. Nasamsam ang 56 plastic sachets ng shabu, 8-aluminum foil, isang bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana, tatlong cal. 45 pistol at 30 bala ang baril.
- Latest



















