^

Probinsiya

Trader na Tsino, kinidnap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinukot ng hindi pa nakilalang apat na mga armadong kalalakihan ang isang 18-anyos na negosyanteng Chinese sa Poblacion, Kabasalan, Zamboanga Sibugay nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Senior. Supt. Robert Roy Bahian, Provincial Director ng Zamboanga Sibugay Police ang biktima na si Li Pei Zhei, manager sa Kabasalan Sales Center, isang mini mall sa nasabing bayan.

Bandang alas-6 ng gabi, ayon kay Bahian nang mangyari ang pagdukot sa biktima sa bisinidad ng Brgy. Poblacion, Kabasalan ng lalawigang ito.

Sinabi ni Bahian, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga kidnappers na lulan ng isang kulay asul na multicab (JBH 581).

Armado ng matataas na kalibre ng baril ay agad tinutukan ng baril ng mga kidnappers ang biktima na kinaladkad  pasakay sa kanilang sasakyan.

Inihayag naman ni Captain Franco Salvador Suelto, Spokesman ng Army’s 1st Infantry Division,  namataan ang sasakyan ng mga kidnappers na tumahak patungo sa Sitio Mangahas, Brgy. Timuay Danda, Kabasalan saka inilipat ang negosyante sa naghihintay na pumpboat.

Nabatid sa opisyal na ang biktima ay may tatlong buwan pa lamang sa Kabasalan matapos mag-operate ang nasabing mini mall na pag-aari nito.

vuukle comment

BAHIAN

BRGY

CAPTAIN FRANCO SALVADOR SUELTO

INFANTRY DIVISION

KABASALAN

KABASALAN SALES CENTER

LI PEI ZHEI

PROVINCIAL DIRECTOR

ROBERT ROY BAHIAN

SITIO MANGAHAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with