^

Probinsiya

Akyat-bahay: 1 patay, 1 arestado

Tina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Bulagta ang isang umano’y magnanakaw habang arestado naman ang kanyang kasama nang pasukin nila ang isang establisyimento sa Brgy. Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng tanghali.

Ayon kay Cavite Police Director S/Supt. Joselito Esquivel Jr., dakong alas-12:30 ng tanghali nang pasukin ng dalawang armadong suspek ang lugar malapit sa Dyna­nite Lady Restobar na nasa Congressional Ave., Brgy. Salitran 3, nasabing lungsod. Mabilis umanong sinamsam ng mga suspek ang mga gamit sa building kabilang na ang mga wirings pero agad na naka-responde ang Dasmariñas City Police at Cavite PPO SWAT na mabilis na pinaikutan ang building.

Matapos ang ilang minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga suspek at mga pulis ay humandusay  ang isang suspect na nakilalang si Michael Hizon na armado ng improvised cal. 38 pistol, habang pumanik sa 5th floor ang kasamahan nito na nakilalang si Jonel Flores, 22, kaya na-korner na siya ng mga pulis at naaresto.

Kinumpirma naman ng kapitan ng barangay na notoryus sa kanilang lugar ang mga suspek at maging sa iba pang lugar ay tumitira rin ito.

 

vuukle comment

BRGY

CAVITE

CAVITE POLICE DIRECTOR S

CITY POLICE

CONGRESSIONAL AVE

DASMARI

JONEL FLORES

JOSELITO ESQUIVEL JR.

LADY RESTOBAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with