P3-M ari-arian, naabo
NORTH COTABATO , Philippines — Aabot sa P3-milyong halaga ng ari-arian ang nilamon ng apoy matapos na masunog ang pabrika ng banana chips sa Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng madaling araw. Ayon sa may-ari ng pabrika na si Reynaldo Feria, nagkaaberya ang makina na pinaglulutuan ng banana chips na sinasabing pinagmulan ng apoy. Ayon kay Kidapawan City’s fire Marshal Darwin Custodio, umabot ng isang oras bago naapula ang sunog kung saan aabot sa 20 manggagawa ang nawalan ng trabaho. Nadamay din ang mga tirahan ng ilang kawani ng pabrika.
- Latest



















