P120-M ari-arian naabo
BULACAN, Philippines -Tinatayang aabot sa P120- milyong ari-arian ang nilamon ng apoy makaraang masunog ang pabrika ng plastic sa Muralla Industrial Compound sa Barangay Iba, Maycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Bulacan Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa bahagi ng finish product section ng Zooey Plastic Corp. kung saan mabilis na kumalat sa buong pabrika. Nasunog din ang dalawang delivery truck ng nasabing pabrika at wala namang nasugatan o namatay habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest