^

Probinsiya

Maguindanao planning officer itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang provincial planning officer ng Ma­guindanao makaraan itong pagbabarilin ng motorcycle riding-in-tandem  habang hinihintay ang kanyang anak na sinusundo nito sa eskuwela sa lungsod ng Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Sr. Supt. Rollen­ Balquin, hepe ng Cotabato City ang nasa­wing biktima na si Sadat Pandalat, 48-anyos.

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan na siya nitong dagliang ikinasawi.

Sa imbestigasyon, si­nabi ni Balquin na kada­rating lamang ng biktima sa labas ng eskuwelahan na ipinarada ang kaniyang sasakyan habang hinihintay ang anak sa parking area ng maganap ang insidente sa Datu Odin Sinsuat Ave­nue ng lungsod dakong alas-4:10 ng hapon.

Bigla na lamang umanong sumulpot ang riding­-in-tandem na mga salarin at pagtapat sa biktima ay agad itong pinagba­baril ng sunud-sunod hang­gang sa duguang bu­mulagta.

Ang mga suspek ay mabilis­ na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo ng naganap na krimen.

vuukle comment

BALQUIN

BIGLA

COTABATO

COTABATO CITY

DATU ODIN SINSUAT AVE

KASALUKUYAN

SADAT PANDALAT

SHY

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with