Bihag na Tsino pinalaya na ng Abu Sayyaf
MANILA, Philippines – Sa hindi pa malamang dahilan ng mga awtoridad, pinalaya na ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang isang fish farm manager na Tsino kagabi na dinukot nila sa Sabah.
Sinabi ni Sulu Provincial Police director Senior Superintendent Abraham Orbita na pinalaya ang bihag na si Yang Zai Lin sa isang tagong lugar sa lalawigan ng Sulu.
Kasama ang isang emisaryo, kaagad ibinalik sa Sandakan si Yang na dinukot noong Mayo 6 sa Wonderful Terrace Fish Farm sa Pulau Baik, Lahad Datu
“The Malaysian authorities have coordinated us about the release of the victim,” wika ni Orbita na inaming hindi nila nalaman kung bakit pinalaya ang bihag.
“Apparently it was a third party that initiated the effort,” dagdag niya.
Naunan nang kinumpirma ng militar na 10 hostage, kabilang ang anim na dayuhan ang hawak ng bandidong grupo sa magkakaibang lugar sa Sulu.
- Latest