^

Probinsiya

Mister kinatay dahil sa damo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON , Philippines   â€“ Pinagtataga hanggang sa mapatay ang 49-anyos na mister ng kanyang kapitbahay na lalaki ka­ugnay sa pinag-awayan sa kanilang bakuran, kamakalawa ng hapon sa Sitio Pantalan, Barangay Manato sa bayan ng Tagkawayan, Quezon.

Nagmistulang kinatay na karne ng hayop ang  biktimang si Benjamin Abayon habang tugis na ng pulisya ang suspek na si Alberto Malto, 35.

Sa ulat ng pulisya, nagkainitan ang suspek at biktima tungkol sa mga halamang ligaw na napapapunta sa kanilang mga bakuran noong Lunes (Hunyo 9).

Umabot sa barangay hall ang pag-aaway ng dalawa hanggang sa mamagitan na ang kanilang chairman ng barangay at pinagkasundo ang dalawa. Subalit kamakalawa ng hapon ay natiyempuhan ng suspek ang biktima na naglalakad at isinagawa ang krimen.

 

vuukle comment

ALBERTO MALTO

BARANGAY MANATO

BENJAMIN ABAYON

HUNYO

NAGMISTULANG

PINAGTATAGA

QUEZON

SITIO PANTALAN

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with