^

Probinsiya

Bebot inutas ng ka-live in

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

DINALUPIHAN, Bataan , Philippines   â€“ Halos maligo sa sariling dugo ang isang babae makaraang burdahan ng saksak ng kanyang live-in partner sa loob ng inuupahan nilang bahay sa Brgy. San Pablo bayang ito kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Ma. Fe Gallo, 30, tubong Canla­lay, Biñan City, Laguna at pansamantalang naninirahan sa nabanggit na lugar.

Base sa salaysay ni Rick, kapatid ng biktima, bago ang krimen ay narinig niya na nagtatalo ang kanyang kapatid at ang live-in partner nito sa ikalawang palapag ng gusaling kanyang pinagtatrabahuhan.  

Nang tumahimik na ay umakyat si Rick para alamin ang insidente kung saan nakita niyang duguang nakahandusay ang kanyang kapatid. Pinaniniwalaang nagsaksak din sa sarili ang suspect na si Jonathan Reyes, 32, ng Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na siya nitong ikinamatay,  habang nasa Intensive Care Unit sa isang ospital ang suspect.

Inihahanda ng mga awtoridad ang isasampang kasong murder laban sa suspect.

 

vuukle comment

BRGY

CANLA

FE GALLO

INIHAHANDA

INTENSIVE CARE UNIT

JONATHAN REYES

NUEVA ECIJA

SAN PABLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with