^

Probinsiya

Bus binato: 3 patay, 14 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Tuguegarao City, Philippines – Dahil sa pambabato ng mga pasaway sa lansa­ngan, tatlo katao ang nasawi habang 14 pa ang na­sugatan makaraang ma­ging mitsa ito ng pagkahulog ng isang pampasaherong bus sa malalim na kanal sa  Burgos, Ilocos Norte nitong Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Beverly Palma, 22-anyos; Hilda Acobo, 29; at Jill Bacuyag, 19-taong gulang. Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Bangui District Hospital ang mga nasugatang biktima.

Sa ulat ng Ilocos Norte Police, bandang alas-2:45 ng madaling araw ng maganap ang sakuna  sa na­tional highway ng Brgy. Saoit, Burgos ng lalawigang ito.

Base sa inisyal na pagsisiyasat galing Cagayan at biyaheng Vigan City, Ilocos Sur ang GMW bus (BVD 621 ) nang aksidente itong mahulog sa isang malalim na kanal sa tabi ng highway.

Ayon sa driver ng bus na si Roel Trinidad, may biglang bumato sa winshield ng bus kaya nawalan siya ng kontrol sa manibela  kung saan dumeretso sa kanal ang behikulo na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima.

Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya ang driver ng bus na ngayo’y nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at serious phy­sical injury and damage to property. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kasong ito.

Nabatid na ang GMW Trans Inc. ay sister company ng Florida Bus na naaksidente at kumitil ng buhay ng 14 katao kabilang ang komedyanteng si Tado Jimenez sa Banaue –Bontoc road sa Mountain Province noong nakalipas na Pebrero.

 

vuukle comment

BANGUI DISTRICT HOSPITAL

BEVERLY PALMA

BURGOS

FLORIDA BUS

HILDA ACOBO

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE POLICE

ILOCOS SUR

JILL BACUYAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with