^

Probinsiya

Mag-asawa itinumba ng tandem

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-asawa sa panibagong paghahasik ng karahasan ng motorcycle-riding gunmen sa Brgy. Tabon 1, bayan ng Kawit, Cavite ka­hapon ng umaga.

Pitong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ng mag-asawang Juan Espi­nola, 51, driver; at Juliet Espinola, 51, may negosyong 5-6, kapwa nakatira sa Brgy. Toclong sa na­sabing bayan.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Joh Paulo Mellona, hinihintay ng mag-asawa ang kanilang anak na babae sa gasolinahan sa panulukan ng Kawit-Noveleta Diversion Road nang lapitan at ratratin ng tandem bandang alas-7:45 ng umaga.

Naisugod pa sa paga­mutan ang mag-asawa subalit kapwa namatay din dahil sa matinding mga tama ng bala sa katawan.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang mga basyo ng bala ng baril habang sinisilip naman ang anggulong may kaugnayan sa negos­yo ng dalawa na pautang.

BRGY

CAVITE

JOH PAULO MELLONA

JUAN ESPI

JULIET ESPINOLA

KAWIT

KAWIT-NOVELETA DIVERSION ROAD

NAISUGOD

NAREKOBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with