^

Probinsiya

Mister itinumba sa harap ng misis

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Brutal na ka­matayan ang sinapit ng isang mister na pinagbabaril ng mga nagpakilalang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa harapan ng kanyang misis sa Brgy. San Vicente, Cawayan, Masbate kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Vicente Maguilan, 35 anyos, may asawa, driver ng habal-habal at residente sa lugar.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-8 ng gabi nang harangin ang biktima ng mga armadong rebelde habang pauwi na sa kanilang tahanan kaangkas sa motorsiklo ang misis nitong si Maricel sa nasabing lugar.

Agad na pinababa ng mga rebelde sa motorsiklo ang biktima saka pinagbabaril ng M16 rifle sa ulo at katawan na siya nitong dagliang ikinamatay.

Nabatid naman na ang biktima ay pinaghihinalaang asset ng militar na siyang motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

BRGY

CAWAYAN

KINILALA

MARICEL

MASBATE

NABATID

NEW PEOPLE

SAN VICENTE

VICENTE MAGUILAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with