^

Probinsiya

3 ‘tulak’ pumalag sa PDEA, bulagta!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong katao na hinihinalang tulak ng ipinagba­bawal na droga ang na­patay habang tatlo pang pulis ang sugatan matapos silang makaengkuwentro habang isinisilbi ang search warrant sa Bernadette Village, Brgy. Luna, Surigao City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 13 Caraga spokesman Supt. Martin Gamba, nakilala ang mga napatay na sina Jameel Mamao, isang alyas Mael at isang alyas Bogs habang nilalapatan na ng lunas sa ospital ang mga sugatang pulis na sina SPO1 Ricky Ca­neda na nagtamo ng sugat sa kaliwang binti, P/Insp. Alvin Caballes, na sugatan sa kanang hita at P/Insp. Paul Michael Neffe. 

Sinasabing isinisilbi na ng pinagsanib na elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 13, Surigao City Police Station, Surigao Norte Provincial Police Office at Surigao Norte PPSC  ang search warrant sa bahay ni Mamao noong Biyernes ng alas-9 ng gabi nang bigla na lamang silang paputukan ng baril ng mga suspek na naging dahilan ng barilan.

Napaslang sa sagupaan ang tatlong suspek matapos ang tatlong oras na eng­kuwentro.

Narekober sa crime scene  ang dalawang pakete ng ice wrapper cello­phane  na may shabu; 14 piraso ng  transparent plastic sachets na may lamang shabu, P124,000.00 cash, isang notebook, dalawang tiniklop na aluminum foil strips, isang  roll ng  alumi­num foil; isang maliit na timbangan, isang blue metal box  na naglalaman ng mga plastic ng cellophane; isang kulay asul na  malaking timbangan, isang  electronic sealer; isang plastic scoop, isang caliber 9mm KG9 na may silencer; isang  caliber .45 pistol; dalawang magazine ng  KG9, isang  magazine para sa  caliber .45 at mga  empty cartridges at deformed slugs.

 

ALVIN CABALLES

BERNADETTE VILLAGE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ISANG

JAMEEL MAMAO

MARTIN GAMBA

PAUL MICHAEL NEFFE

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with