^

Probinsiya

182 preso pumuga dahil sa gutom

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 182 preso na sinasabing nanlilisik na ang mga mata dahil sa gutom  na nararanasan ang iniulat na pumuga sa naganap na mass jailbreak sa Provincial Jail sa bayan ng Palo, Leyte kahapon ng madaling araw.

Sa press briefing sa Camp Crame, kinumpirma ni PNP spokesman P/Senior Supt. Wilben Mayor ang pagpuga ng mga preso.

Kabilang ang bayan ng Palo, Leyte sa mga pinakagrabeng naapektuhan ng pananalasa ng superbagyong Yolanda sa bansa noong Nobyembre 8.

Bandang alas-4:50 ng madaling araw ng maganap ang mass jailbreak ng 182-preso na kabilang sa 431  inmates na nakapiit sa Leyte Provincial Jail sa nasabing bayan.

Ayon naman sa source sa field, nagawang makatakas ng mga preso matapos na sabayan ang ilang jailguard na kinuyog ng mga ito habang nagkakape.

“They immediately escaped due to the poor condition of the field that was da­maged by typhoon Yolanda, the repair was not finished yet dun eh, besides gutom na talaga ‘yung mga preso, dapat siguro hatiran din sila ng relief goods,” anang opisyal na sinabi pang sinamantala ng mga preso na konti lang ang bantay sa selda.

“Among the issues raised was lack of food, slow judicial process on their case and poor condition of the facilities,” giit pa ng opisyal

“The Regional Public Safety Battalion immed­iately responded and the authorities immediately recapture 148 prisoners,” pahayag ni Mayor

Patuloy namang tinutugis ang nalalabi pang 34-pugante habang masu­sing iniimbestigahan ang mga jailguard sa nagnap na mass jailbreak.

CAMP CRAME

LEYTE

LEYTE PROVINCIAL JAIL

PALO

PROVINCIAL JAIL

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

SENIOR SUPT

WILBEN MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with