^

Probinsiya

Barangay chairman itinumba

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - – Isa na namang barangay chairman ang napatay habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Tala, bayan ng San Andres, Quezon kamakalawa ng umaga. Napuruhan sa ulo si Chairman Moises Tawatao habang naisugod naman sa Bondoc Peninsula District Hospital ang anak nitong si Jasper Tawatao, 10, nagtamo ng tama ng bala sa kanang paa at ang bystander na si Aldrin Ariola, 37. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nasa loob ng bahay ang biktima nang dumating ang dalawang di-kilalang lalaki kung saan hinahanap ang misis nito kaugnay sa  mga dokumentong kanilang pipirmahan.Gayon pa man, Habang nasa veranda ng bahay ang biktima ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril. Bagama’t sugatan ay nagawang makatakbo ng biktima patungo sa kanyang kuwarto subalit sinundan ito ng gunmen saka muling pinutukan.

vuukle comment

ALDRIN ARIOLA

BAGAMA

BARANGAY TALA

BONDOC PENINSULA DISTRICT HOSPITAL

CHAIRMAN MOISES TAWATAO

GAYON

HABANG

ISA

JASPER TAWATAO

SAN ANDRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with