Bangka lumubog, 1 mangingisda missing
TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isang mangingisda ang nawawala samantalang daÂlawa sa kanyang mga kasamahan ang nailigtas matapos aksidenteng tumaob ang kanilang bangka nang balyahin ng malaÂlaking alon sa karagatan ng Brgy. Dimalwadi, DinaÂpigue, Isabela kamakalawa.
Sa ulat na nakarating kay Isabela Police Director Sr. Supt. Sotero Ramos Jr., nakilala ang pinaghahanap na si Benjamin Agustin, reÂsidente ng Brgy. Digumased sa nasabing bayan.
Nabatid na tatlong araw nang nakalutang ang dalawang nakaligtas na sina Jerry Pagay at kapatid nitong si Jojo hanggang masagip sila noong Biyernes ng grupo ng mga mangiÂngisdang pinangunahan ni Ronald Dugo na nagawi sa lugar.
Sa kasalukuyan ay nasa Dinapigue Hospital na ang mga nailigtas na biktima habang patuloy pa ring hinahanap ng awtoridad ang nawawala nilang kasamahan.
- Latest