^

Probinsiya

3 utas sa pananambang sa Cotabato

Pilipino Star Ngayon

MANILA,  Philippines – Patay sa pananambang ang tatlong kalalakihan sa Cotabato City, kasunod ng panloloob sa sanglaan wala pang isang linggo ang nakararaan.

Nakilala ang mga biktimang sina Johaider Marunting, 36; Guinaid Ali Adta, 58; at Kadir Ali Adta, 48, na tinambangan sa boundary ng Tamontaka I at Tamontakaa II.

Idineklarang dead on arrival ang tatlong biktima nang isugod sa ospital.

Sinabi ni citypolice director Superintendent Rolen Balquin na paghihiganti ang motibo sa likod ng pag-atake.

Bukod sa pananambang, ninakawan din ng mga cellphone, wallet at relo ang mga biktima, dagdag ni Balquin.

Nito lamang ay inatake ng armadong kalalakihan ang isang sanglaan, kung saan tatlo ang sugatan, kabilang ang may-ari.

Sinabi pa ni Balquin na pinatay ng mga suspek ang isa nilang kasamahang sugatan upang hindi na makuhaan ng impormasyon.

BALQUIN

BUKOD

COTABATO CITY

GUINAID ALI ADTA

IDINEKLARANG

JOHAIDER MARUNTING

KADIR ALI ADTA

SINABI

SUPERINTENDENT ROLEN BALQUIN

TAMONTAKA I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with