^

Probinsiya

P1-M shabu nasamsam sa airport

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umaabot sa P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad  na nakalagay sa LBC Express cargo makaraang sumailalim sa security screening sa Zamboanga International Airport kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PNP regional spokesman P/Chief Insp. Ariel Huesca, nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-9, PNP-Special Action Force at Zamboanga City PNP ang 200 gramo ng shabu mula sa 8-karton ng arina at kape bandang alas-8:15 ng umaga na patungo sana sa Jolo Sulu kung saan isinakay sa PAL Express flt. 2P245.

Nabatid na nagmula pa sa Metro Manila ang droga kung saan ibiniyahe ng isang tinukoy na Absudahar Sabial Albi ng Gatchalian Subdivision sa Las Piñas City noong Linggo (Enero 12) na patungo sanang Jolo, Sulu nang maharang sa paliparan.

Lumilitaw sa imbestigasyon na napansin sa x-ray scan machine na may luma­labas sa maitim na bahagi sa loob ng mga kahon ng forwarder.

Samantala, sinasabing naka-consignee naman ang shabu kay Nadzmer Muradjam ng Governor Fernandez Street sa Jolo.

ABSUDAHAR SABIAL ALBI

ARIEL HUESCA

CHIEF INSP

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GATCHALIAN SUBDIVISION

GOVERNOR FERNANDEZ STREET

JOLO

JOLO SULU

LAS PI

METRO MANILA

NADZMER MURADJAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with